-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang Alliance of Health Workers (AHW) sa harap ng central office ng Department of Health.
Panawagan ng grupo ang pagtaas ng kanilang sahod, pagpalabas na ng mga bonuses at allowances ganun din ang regularizaiton sa mga contractual employees.
Sinabi ni AHW secretary general Cristy Donguines na mula noong maupo si Health Secretary Ted Herbosa ay hindi nila umano nadama ang kanilang kahalagahan.
Dahil na rin aniiya sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay nagiging pabigat na ito sa kanilang miyembro na mayroong maliit na sahod na tinatanggap.
















