Nagpahayag pa rin ng interest na makapaglaro sa PBA at sa Gilas Pilipinas si datinh Ginebra star player Greg Slaughter.
Mula kasi ng hindi na ni-renew ang kaniyang kontrata sa koponan noong Enero ay nagsasanay na ito sa DME Sports Academy sa Daytona Beach, Florida.
Ayon pa sa 7 foot player na kinausap siya ni Gary Boyson ang NBA scouting agent at inimbitahan na magsanay.
Bumisita kasi si Boyson sa kaniya noong 2008 sa Cebu at pinaunlakan naman nito ang imbitasyon.
Naging scouting si Boyson sa mga koponan na Toronto Raptors, Los Angeles Lakers at New York Knicks noong 2001.
Dagdag pa ng 32-anyos na si Slaughter na pinaghahandaan niya ang pagsabak sa Gilas at hindi rin aniya iiwan ang PBA dahil napalapit na ito sa kaniyang mga fans.
Magugunitang ibinunyag ni Ginebra coach Tim Cone na nagbabalak si Slaughter na mapabilang sa NBA G-League.