-- Advertisements --

Aminado ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na ito ay nadismaya sa pagkatalo nila sa Bahrain 89-85 sa pagsisimula ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sinabi nito na nagkulang ito sa kaniyang inaasahan sa koponan.

Dahil dito ay mabilis na silang nakapag-move on kung saan umaasa itong magtatagumpay sila sa mga susunod nilang mga laban.

Mamayang alas-6 ng gabi ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Kazakhstan.

Nasa Group C ang Pilipinas kung saan parehas na mayroong tig-isang talo at wala pang panalo sila ng Kazakhstan.

Habang ang China at Bahrain ay mayroong isang panalo at isang talo.

Base sa kasi format ng laro ng dalawang pangunahing koponan sa tatlong grupo at ang dalawang pangunahing third placers ay makakapasok na sa quarterfinals.

Nakasasalay naman ang kapalaran ng Gilas sa panalo nila kontra sa Kazakhstan at marapat din na manalo sila kontra China.

Sakaling manalo ang Gilas kontra Kazakhstan ay magkakaroon ng isang panalo at isang talo na sila na makakapantay ang sinumang manalo sa pagitan ng China at Bahrain.

Habang kapag nabigo sila sa Kazakhstan ay dapat maipanalo nila ang laban sa China para may tsansa na maging third placer sa grupo.