-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas laban sa Bahrain 89-85 sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Pinababa ni Calvin Oftana ang kalamangan ng Bahrain sa apat mula sa 76-61 na puntos sa pagtatapos ng third quarter.

Hindi pumanig ang suwerte sa Gilas Pilipinas kahit na maraming mga naitalang turnovers ang Bahrain.

Sa unang quarter pa lamang ay umabot sa 10 puntos ang lamang ng Bahrain kung saan napababa ito ni pagtatapos ng first half.

Nasayang naman ang nagawang 31 points, dalawang rebounds ni Oftana habang mayroong 14 points at pitong rebounds naman si Adrian Nocum.

Nagdagdag naman ng 10 points, anim na reboudns si Justin Baltazar habang mayroong siyam na puntos, walong rebounds si Don Trollano.

Nakatakdang bumawi ang Gilas Pilipinas sa paghaharap nila ng Kazakhstan sa arat ng Sabado, Setyembre 12 ng alas-6 ng gabi.