-- Advertisements --
Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Kazakhstan 109-78 sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya, Japan.
Dahil dito ay mayroong ng isang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas para sa Group C.
Nakabawi ang Gilas sa pagkatalo nila sa Bahrain nitong araw ng Biyernes.
Nanguna sa panalo ng Gilas si Jerrick Ahanmisi na mayroong 22 points habang nagtala naman ng 20 points si Robert Bollick.
Ilang manlalaro naman ang nagtala ng double figures gaya nina Calvin Oftana na mayroong 12 points habang mayroong 11 points si Sedrick Barefield at 10 points naman ang naitala ni Zavier Lucero.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang China na wala pa ring talo.
















