giannis bucks

Nananatili umanong matibay ang loob ng Milwaukee Bucks kahit nabigo silang magwagi sa Game 5 ng Eastern Conference Finals kanina.

Kasalukuyan kasing hawak ng karibal nilang Toronto Raptors ang 3-2 lead sa serye nila ng Bucks, at isang panalo na lamang ang kailangan para umusad na sila sa NBA Finals.

Ayon kay star forward Giannis Antetokounmpo, gagawin daw nila ang lahat ng kanilang makakaya lalo pa’t mayroon pang nalalabing dalawang laro sa serye.

“We’re not gonna fold,” wika ni Antetokounmpo. “We’re the best team in the league. We’re gonna go in, give it everything we got. We can’t fold. We’re gonna come back to Milwaukee being pissed.”

Pinawi din ni “Greek Freak” ang mga agam-agam tungkol sa kanyang bukong-bukong at sinabing maayos ang kanyang kondisyon.

Una rito, namali ng bagsak si Antetokounmpo at hindi sinasadyang na-foul si Leonard.

Samantala, patuloy ang paghahanda ng Golden State para sa kanilang muling pagsabak sa NBA Finals.

Pero sinabi ni Warriors coach Steve Kerr, hindi pa raw nila itotodo ang kanilang preparasyon hangga’t wala pang nananalo sa serye.