Suportado raw ng World Health Organization (WHO) ang desisyon ng pamahalaan na magpatupad ng granular lockdowns para maiwasan ang pagkalat pa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, kailangan daw ng bansa na magkaroon ng mas validated na data ng COVID-19 dahil posibleng hindi raw magtutugma ang magiging resulta ng granular lockdown na kailangan ng WHO.
Kabilang daw sa mga mahalagang ma-validate ang patients numbers, testing, positivity rate sa severinity ng disease sa clusters ng mga kaso.
Sa pamamagitan din umano ng naturang mga impormasyon, ay makakagawa ng magandang hakbang ang pamahalaan sa pamamagitan ng contact tracing na binansagang weakest link sa pagtugon ng Pilipinas sa kasalukuyang pandemya.
Mahalaga umanong mag-focus ang pamahalaan sa transmission na nangyayari ngayon na ilang araw nanag mataas ang kaso.
Una rito, inanunsiyo ng Malacañang na simula bukas hanggang sa katapusan ng buwan ay isasailalim ng general community quarantine (GCQ).
Kasabay nito ay isasagawa rin ang granular lockdowns bukas.