-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Balik kulungan ang isang kawani ng gobyerno matapos itong mahuli sa anti-illegal drug operation na isinagawa ng pulisya sa Purok 3, Sitio Gayas, Brgy. Sabang, Surigao City.

Nakilala ang suspek na si Alain Blas Celocia Tero alyas “Blas,” 41-anyos may asawa, at residente ng Payawan 1, Brgy. Luna ng nasabing lungsod.

Ayon kay PCol. Noel Espinoza ang police provincial director ng Surigao del Norte, isang drug surrenderee sa Surigao City Police Station si Celocia noong Setyembre a-21, 2018 na nasa listahan ng mga High Value Individual at nasa Regional Priority Target List.

Nakuha mula sa kanya ang isang ka sachet ng pinaghihinalaang shabu na nabili ng poseur-buyer na tinatayang nagkakahalaga ng P1,000; marked money na P1,000 bill, pinatuyong dahon ng marijuana na titimbang 2 gramo, tatlong sachets ng pinaghihinlaang shabu na may timbang na 0.15 gramo at mga personal na gamit.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

-- Advertisement --