Muling lumakas ang tropical cyclone Goring at naging supertyphoon muli habang nasa loob ng Philippine area of responsibility.
Huli itong namataan sa layong 60 km timog kanluran ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 240 kph.
Signal No. 4:
Southern portion ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco) at northern portion ng Babuyan Islands (Calayan Is., Babuyan Is.)
Signal No. 3:
Natitirang bahagi ng Batanes at southwestern portion ng Babuyan Islands (Fuga Is., Dalupiri Is.)
Signal No. 2:
Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Claveria, Abulug, Ballesteros, Santa Ana, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), pati na ang northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
Signal No. 1:
Nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal), northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong, San Juan, Danglas, La Paz), natitirang parte ng Ilocos Norte at extreme northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan)