-- Advertisements --

Pinaplantsa na ng gobyerno ang planong pagpapatupad ng EDSA Rehabilitation.

Kaugnay naito ay nagpulong na ang lahat ng mga concerned agencies para talakayin ang mga plano sa naturang programa.

Ang hakbang na ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mga proyekto na magbibigay ng kaginhawahan sa mga mananakay at mga motorista na gumagamit ng nasabing kalsada.

Dumalo sa isinagawang pagpupulong ay sina DOTr Secretary Vince Dizon, DPWH Secretary Manuel Bonoan, at maging si Metropolitan Manila Development Authority Chairperson, Atty. Don Artes.

Tinatayang aabot sa kabuuang ₱253 bilyon ang halaga ng rehabilitasyon ng EDSA Busway stations.

Kung maaalala, binuksan ng DOTr ang ang invitation to bid para sa magiging disenyo ng at build contract ng EDSA Rehabilitation Project Phase 1.

Sa sandaling matapos ang proyekto, papakinabangan ito ng mahigit kalahating milyon na sasakyan na gumagamoit ng EDSA araw-araw.

Aabot naman sa 177,000 na pasahero ang kasalukuyang mapagsisilbihan ng EDSA Busway.