-- Advertisements --
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula na sa kalagitnaan ng Hunyo ng taong kasalukuyan ang rehabilitasyon ng EDSA bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa pagho-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, na nagsagawa ng inspeksyon sa mga EDSA Busway station, ngayong araw, magpapatuloy ang operasyon ng EDSA Busway kahit may isinasagawang rehabilitasyon.
Nagbabala ang DOTr sa inaasahang matinding trapiko sa panahon ng proyekto, ngunit tiniyak na may mga hakbang na inihahanda ang ahensya, katuwang ang iba pang sangay ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan, upang maibsan ang abala sa mga motorista at commuters.