-- Advertisements --
Gumagawa na ang gobyerno ng hakbang para mapauwi ang nasa 170 mga Pilipino na nasa Afghanistan matapos na tuluyang sakupin ng Taliban militants ang capital city na Kabul.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na mayroon ng naunang 32 mga Filipino ang nailikas na habang mayroon 19 iba pa ang inaasahang makakauwi.
Pinayuhan niya ang mga Pilipino na nasa Afghanistan na makipag-ugnayan sila sa embassy ng gobyerno.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na na mayroong 130 Filipino ang nasa Afghanistan kung saan 30 sa mga dito ay mayroon ng flight na nasa Doha, Qatar na.
Magugunitang pinalakas ng Taliban militants ang pagsakop sa Afghanistan mula ng tanggalin ng US ang kanilang mga sundalo.