Bumandera sina 2019 NBA MVP finalists Giannis Antetokounmpo at Paul George sa mga pangunahing vote-getters para sa All-Defensive first team.

Nanguna naman sa nakakuha ng malaking boto si NBA Defensive Player of the Year Rudy Gobert, habang nasa first squad din sina Marcus Smart ng Boston Celtics at Eric Bledsoe ng Milwaukee Bucks.

Batay sa anunsyo ng liga, nakatipon ng kabuuang 196 points si Gobert kasama na ang 97 first-team points, dahilan para makatanggap din ito ng $500,000 bonus mula sa Jazz.

Nakatipon naman ng 96 first-team votes at 195 points si George, habang may 94 first-team votes, at 193 votes naman si Antetokounmpo.

Kabilang naman sa second team sina Draymond Green at Klay Thompson ng Warriors, Kawhi Leonard ng Toronto, Joel Embiid ng 76ers, at Jrue Holiday ng Pelicans.

Ang botohan para sa all defensive team ay isinagawa ng panel na binubuo ng 100 writers at broadcasters.