Tom Morello
-- Advertisements --

Nanawagan ang gitarista ng heavy metal band na Rage Against the Machine na si Tom Morello na tulungan ang grupo ng mga babaeng gitarista na nagtatago sa Afghanistan.

Isinagawa nito ang panawagan sa pamamagitan ng pagsulat na ipinadala sa Billboard ng dating miyembro ng bandang House of Lords at guitar teacher na si Lanny Cordola.

Si Cordola ay may programa sa Kabul noong 2015 na tinawag nitong Girl With a Guitar.

Maraming mga estudyante kasi ng nasabing programa ang nag-remote recording kasama ang ilang mga singers gaya nina Blake Shelton, Sammy Hagar, Nick Cave at maraming iba pa.