Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonto ng 2019 PBA Governors Cup matapos talunin ang Meralco Bolts 105-93.

Hindi na hinayaan pa ng Ginebra na maulit pa ng Bolts ang unang panalo nila sa Game 1 kaya tinapos na nila ang best of seven series matapos ang apat na sunod na panalo at maitala ang 4-1.

Dahil sa panalo ay nabawi ng Ginebra ang titulo mula noong nakaraang season at ito na rin ang pangatlong Governors’ Cup title sa apat na taon laban sa Bolts.

Tinanghal bilang finals Most Valuable Player si Japeth Aguilar na mayroong 25 points, walong rebounds at apat na blocks habang mayroong 24 points, pitong rebounds at 10 assists si Justin Brownlee.

Ito na rin ang pang-12 kampeonato ng Ginebra sa kasaysayan ng kanilang franchise at ang 22nd career ni Ginebra head coach Tim Cone ang may pinakamarami sa kasaysayan ng liga.

Naitabla pa ng Bolts 77-77 ang laban sa third quarter hanggang tuluyan ng umarangkada ang Ginebra.

Nasayang naman ang nagawang 29 points, 21 rebounds at walong rebounds ni three time Best Import awardee na si Allen Durham para sa Bolts habang mayroong 17 points si Baser Amer.