-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makuha ang kampeonato sa PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na makuha ng Gin Kings ang 3-1 na bentahe sa best of seven finals ng talunin ang TNT KaTropa 98-88 sa laro na ginanap Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Kapwa nagtala ng tig-22 points sina LA Tenorio at Japeth Aguilar habang mayroong 16 points si Stanley Pringle.
Nasayang naman ang nagawang 34 points ni RR Pogoy at 19 points, 16 rebounds ni Poy Erram.
Huling nagkampeon sa Philippine Cup ang Ginebra ay noong 2007.