House Prosecutin , kumpiyansa sa lakas ng ebidensiya laban kay VP Sara Duterte anuman ang resulta ng voting threshold
Kumpiyansa ang House prosecution na sapat ang kanilang mga ebidensya para mapatunayang may pananagutan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial anuman ang voting threshold ng Senate Impeachment Court.
Ayon kay dating Surigao del Norte Representative at prosecution spokesperson Ace Barbers, malinaw na naipapakita ng mga ebidensyang iniharap ng prosecution ang kanilang mga alegasyon sa apat na Articles of Impeachment.
Gayunman, sinabi ni Barbers na nasa Senate Impeachment Court ang pagpapasya kung ano ang magiging voting threshold at mga panuntunan sa paglilitis.
Samantala, sinabi ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez na pag-uusapan ng prosecution panel ang kanilang posisyon sa voting threshold bago ang oral arguments na nakatakda sa susunod na linggo.















