GinsVSNorthPort
Ginebra vs NorthPort/ PBA image

Tinambakan ng Barangay Ginebra 132-105 ang NorthPort para makuha ang 2-1 na kalamangan sa kanilang best-of-five semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Dinala ni Justin Brownlee ang Gins na nagtala ng 41 points at 11 rebounds.

Nag-ambag naman ng 18 points at 10 rebounds si Japeth Aguilar habang mayroong 17 points si Jeff Chan.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na hindi niya inaasahan na mananalo ang kaniyang koponan.

Humanga rin ito sa galing ng import ng NorthPort na si Michael Qualls na nagtala ng 32 points.