Tiniyak ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na magiging matindi ang matutunghayang laban nila ng Meralco Bolts para sa finals ng PBA Governors’ Cup sa Enero 7.

Sinabi ni Cone na makakaasa ang mga manonood ng de kalidad na laban ng dalawang koponan.

Gaganapin ang unang laro ng dalawa sa Lucena City.

Hindi na bago sa dalawang koponan ang lugar dahil naglaro na sila doon ng game 1 noong 2017 Governors’ Cup kung saan tinalo ng Gins ang Bolts 102-87.

Ito na ang pangatlong beses na nagtagpo ang dalawang koponan sa loob ng apat n taon kung saan dalawang beses na nagwagi ang Ginebra noong 2016 at 2017.