Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Abot kamay na ng Barangay Ginebra ang kampeonato matapos makuha ang 3-1 na kalamangan sa best of seven games finals ng tambakan nila ang Meralco Bolts 94-72.

Nagtulungan ang mga beteranong manlalaro ng Gins sa pangunguna ni Justin Brownlee na nagtala ng 27 points, walong rebounds, walong assists, limang steals at apat na blocks.

Nakapagtala rin ng 21 points si Stanley Pringle habang 16 points si Scottie Thompson.

Umarangkada lamang ang Ginebra pagpasok ng third quarter kung saan mayroong 15 points ang kanilang kalamangan sa pagtatapos ng third quarter.

Ikinatuwa naman ni Ginebra coach Tim Cone ang matagumpay nilang pagsira sa opensa na ipinatupad laban kay Bolts import Allen Durham.

Nasayang naman ang nagawang 21 points at 27 rebounds ni Durham para sa Bolts habang mayroong 12 points at siyam na rebounds si Raymond Almazan na may iniindang minscus tear sa kaniyang kaliwang tuhod.