CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang ginang na umanoy ginagamit ang ilang menor de edad sa pagbebenta ng Shabu sa San Isidro, Diffun, Quirino.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCaptain Reynold Gonzales, hep ng Diffun Police Station ang pinaghihinalaan ay si Cristina,35 anyos,dalaga, waitress at residente ng Brgy. Aurora West, Diffun, Quirino.
Ayon kay PCaptain Gonzales pinangunahan ng kanilang himpilan ang operasyon katuwang ang PDEA Region 2 at nakabili ang umaktong buyer sa nasabing pinaghihinalaan ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na limang libong piso
Maliban dito ay nakuha pa sa pinaghihinalaan ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang Android Phone na hinihinalang ginagamit din nito sa pakikipagtransaksyon at boodle money na ginamit sa transaksyon
Ayon pa sa hepe ng pulisya, matagal nang minamanmanan ang nasabing pinaghihinalaan dahil sa rebelasyon ng mga naunang nahuli ng mga awtoridad na ang pinaghihinalaan ang kanilang supplier.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na gianamit ng pinaghihinalaan ang mga menor de edad sa kanyang illegal drug activities .
Inamin naman ng pinaghihinalaan sa Bombo Radyo Cauayan ang dati nitong pagkakadawit sa illegal na droga sa mga nakalipas na taon.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020 ).