Gilas Womens Basketball
Gilas Womens Basketball

Nagtapos ang kampanya ng Gilas Women ng walang panalo sa tatlong laban nila sa FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa India.

Tinalo kasi sila ng New Zealand 75-57.

Unang beses lamang nakalamang ang Gilas Women 15-14 sa pagtatapos ng first quarter subalit umarangkada ang New Zealand kung saan umabot pa sa 20 points ang lamang nila.

Nasayang nagawang 15 points ng pambato ng Gilas Women na si Janine Pontejos at 12 points, limang rebounds, tatlong steals at dalawang blocks ni Afril Bernardino.