-- Advertisements --

Bigong madipensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall.

Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa SEA Games at kabuuang 33 taon na pagiging hari sa Southeast Asia..

Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 1989 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na hindi maiuuwi ng Pilipinas ang gold medal sa men’s basketball.

Nagtapos ang mga ito sa silver medal at nagwakas ang kanilang kampanya sa 5-1 win-loss record.

Hindi kinaya ng mga Pinoy ang pag-ulan ng 3-points at sa bench scoring na mistulang pagod na sa mga laro sa pangunguna ng ilang PBA players.

Kahit all-professional squad kabilang si dating PBA MVP June Mar Fajardo, Keifer Raven Ravena, Matthew Wright at iba pa ay hindi pa rin kinaya ang karibal na Indonesian squad na kasama and former NBA player Marques Bolden, at naturalized Brandon Jawato at Derrick Michael Xzavierro.