Hindi pinaporma ng Tropang Giga ang Phoenix Super LPG 95-92 sa game 1 ng 2020 PBA Philippine Cup Semifinals series.
Pinangunahan ni Jayson Castro ang TNT na nagtala ng 20 points, six rebounds at dalawang steals para makuha ang 1-0 na panalo sa best of five semis.
Nagtala rin ng 17 points, pitong rebounds si Ray Parks Jr habang mayroong 16 points at siyam na rebounds si Roger Pogoy sa laro na ginanap sa Angeles University Foundatioin Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.
Naging malaking hamon ang laro para sa Phoenix matapos magtamo ng ankle injury si Matthew Wright sa first quarter pa lamang habang nasa foul trouble naman si Calvin Abueva.
Ipinagmalaki ni TNT coach Bong Ravena ang pag-step up bilang senior player si Castro.
Tiniyak naman ng Phoenix na babawi sila sa game 2.