Giannis Antetokounmpo 2
Giannis / IG post
-- Advertisements --

Nagpakitang gilas ang NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo gamit ang 47 points at 12 rebounds upang tuldukan ng Milwaukee Bucks ang four-game winning streak ng Portland Trail Blazers, 127-109.

Ang score ni Antetokounmpo na 47 points ay napantayan ang kanyang season high pero kulang pa sa kanyang career high na 52 puntos.

Sumuporta naman si Jrue Holiday na nagpakawala ng 22 points at 10 assists para iposte ng Bucks ang 31-17 kartada.

Samantala hindi naman umubra ang isa sa best scorer ng liga na si Damian Lillard na nagbigay ng 32 points para sa Blazers (29-19).

Batay sa match-up ng magkaribal na team, ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Bucks sa Blazers.

-- Advertisement --