-- Advertisements --

Magpapatupad ng mas mahigpit na lockdown ang Germany para tuluyang malabanan ang COVID-19.

Sinabi ni German Chancellor Angela Merkel, na magtatapos ang lockdown ng hanggang Enero 10.

Dagdag pa nito na kahit na gusto nitong luwagan ang lockdown ay hindi pa rin nito magagawa dahil sa panahon ng kapaskuhan kung saan marami ang nagsasasagawa ng Christmas shopping.

Mananatiling bukas naman ang mga essential shops gaya ng supermarkets, pharmacies ganun din ang mga bangko. Maging ang mga paaralan ay isasara kung saan pinapayuhan ang mga guro at empleyado ng paaralan na magtrabaho na lamang sa kanilang bahay.

Pumapalo na mahigit 1,320,716 kung saan mayroong 21,787 na ang nasawi.