Nagkusang sumailalim sa quarantine si German Chancellor Angela Merkel matapos na makasalamuha umano ang isang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Steffen Selber, binigyan na siya ng kaniyang doctor ng bakuna at sinuri na rin ito kung positibo ba sa virus.

Nitong Linggo ay nagpatupad ang Germany ng “contact ban” para mabantayan ang pagkalat ng virus.

Dapat aniya ang layo ng bawat indibidwal ay nasa 1.5 hanggang 2 metro para hindi makahawa ng virus.