-- Advertisements --

Natagpuan ng Israel Defense Forces (IDF) ang bangkay ng tatlong binihag ng mga Hamas sa Gaza.

Kinabibilangan ito ng isang sundalo at dalawang sibilyan na dinukot ng mga Hamas noon pang Oktubre 7, 2023.

Kinilala ang mga bangkay na sina Ofra Keidar,Yonatan Samerano at ang sundalong si Shay Levinson.

Si Keidar na isang 71-anyos ay naninirahan sa kibbutz Be’eri community ng ito ay patayin ng mga Hamas at dinala ang katawan nito sa Gaza maging ang asawa nito ay pinatay din.

Habang ang 21-anyos na si Samerano ay isang talented DJ na mula sa Tel Aviv, pinatay siya ng mga Hamas habang papatakas mula sa Nova music festival.

Isa namang tank commander ang 19-anyos na si Levinson at dual German-Israel national na nasawi sa pakikipaglaban kung saan dinala ang katawan nito sa Gaza.

Inaasahan din ng Israel na makakahanap pa rin sila ng mga bangkay ng mga dinukot ng mga Hamas.

Mayroon 55,959 na mga biktima na ang nasawi at 131,242 ang naitalang sugatan sa labanan ng Hamas at Israel mula pa noong Okrtubre 7, 2023.