-- Advertisements --
Sugatan ang siyam na katao matapos na tamaan ng turbulence ang kanilang sinakyang pampasaherong eroplano.
Patulong Milan, Italy ang Ryanair flight at dahil sa insidente ay nag-emergency landing na sila a sa southern Germany.
Mula sa Berlin ang nasabing eroplano at ito ay ligtas na lumapag sa Memmingen sa timog bahagi ng Munich.
Isang babaeng pasahero ang sugatan sa ulo habang ang dalawang-taong gulang na anak nito ay nagtamo rin ng mga galos sa katawan.
Inilipat naman sa ibang eroplano ang mga pasahero habang tiniyak ng airline company na kanilang sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima.