-- Advertisements --
Tinawag ni dating Senator Leila de Lima na isang malinaw na panlilinlang sa Pilipino ang umanoy “genlteman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping para panatilihing status quo sa Ayungin Shoal.
Dagdag pa ng dating senador na may karapatan ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi sundin ang nasabing kasunduan.
Inilarawan pa nito na ang nasabing kasunduan ng dating pangulo ay parang utang na inilista sa hangin.
Magugunitang ibinunyag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng gentleman’s agreement si Duterte at Xi para maaayos ang nasirang relasyon ng dalawang bansa noong panahon ng Aquino administration.