-- Advertisements --

Nangangailangan ng malaking halaga para tuluyang maibalik sa dati ang Gaza matapos ang dalawang taon na pag-atake ng Israel.

Ayon kay Jorge Moreira da Silva, director of the United Nations Office for Project Services, na aabot sa $52-bilyon para muling maitayo ang Gaza Strip.

Dagdag pa nito na 80 percent ng mga gusali sa Gaza Strips ang nasira.

Mahalaga din na agad na tanggalin ang mga gumuhong bahagi ng mga gusali dahil sa labanan.

Kasama rin siyang nanagawan na dapat ipatupad ang ceasefire dahil sa dami ng mga bata ang nasasawi.

Base rin sa pagtaya ng UN na mayroong 64,000 na mga bata na ang nasawi mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang paglaban sa Hamas na nagtatago sa Gaza.