duterte on vp
President Duterte

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Gamboa bilang bagong PNP chief.

Sa kaniyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na matagal na nilang pinag-aralang mabuti Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagtatalaga kay Gamboa.

Dagdag pa nito, nakita raw niya ang pagiging sinsiro sa kaniyang trabaho ni Gamboa kaya nararapat na ito ay maalala ng bansa.

Itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP si Gamboa noong Oktubre 2019 matapos na bumaba sa kaniyang puwesto si PNP chief Director General Oscar Albayalde dahil sa akusasyon ng kurapsyon.