PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief

Itataas na ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa buong bansa simula Sabado ng umaga bilang paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Address ng Pang.Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22,2019.

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde magpapakalat ng mga intelligence officer.

Layon nito para maiwasan ang paghalo ng mga masasamang loob sa mga rally na nais manggulo sa okasyon.

kasama sa kanilang deployment ang mga pulis na naka plain clothes o sibilyan na ihahalo sa mga rallyista para na rin sa kaligtasan na rin ng mga ito.

Nakahanda na ang PNP sa pagbibigay seguridad sa SONA sa Lunes.

Inihayag din ni PNP chief na taon-aton na rin ay may signal jammer tuwing SONA ngunit hindi aniya sila ang nagrerekumenda upang gawin ng mga telecommunication company.

Mahigpit din ipinagbabawal ang paggamit ng mga drone.

” We will be stricter when it comes to the security protocols kaya nga tayo nagdagdag ng tao both uniformed and non uniformed, we’ll be fielding intelligence monitoring teams doon sa mismong rally sites not only for the protection of the community but also for the protection of the protesters themselves,” ani ni PNP chief Albayalde.