-- Advertisements --

Sinimulan na ni dating French President Nicolas Sarkozy ang kaniyang limang taon na pagkakakulong.

Siya ang magiging unang lider sa makabagong France na makukulong.

Napuno ng kaniyang supporters ang kalsada kung saan dumaan ang sasakyan ni Sarkozy.

Naging mahigpit ang police convoy mula sa kaniyang bahay patungo sa La Santé Prison sa southern Paris.

Noong nakaraang buwan ay hinatulan si Sarkozy na makulong dahil sa criminal conspiracy.

Nagbunsod ang kaso ng kumuha umano ito ng pondo ng kaniyang kampanya sa halalan noong 2007 sa bansang Libya kapalit ang diplomatic favors.

Bagamat inapela nito ang kaniyang hatol ay mananatili muna ito sa VIP Wing ng La Sante prison complex.