Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na hihiling ang tanggapan ng ‘freeze order’ laban sa mga kongresistang nasasangkot sa isyu ng korapsyon sa flood control projects.
Ayon mismo sa Ombudsman, hihilingin ito sa Anti-Money Laundering Council upang ma-freeze ang assets at bank accounts ng mga opisyal sangkot sa anomalya.
Bagama’t mayroon na aniyang mga pending request sa naturang konseho, tiniyak ni Ombudsman Remulla na hihiling pa rin sila ng ‘freeze order’.
Partikular sa mga itinuturing bilang ‘persons of interest’ ay sina ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap, Benguet Lone District Rep. Eric Yap at Bulacan Rep. Salvador Pleyto.
Ito’y bunsod sa pagkakadawit ng kanilang mga pangalan sa ghost at substandard na flood control projects ng pamahalaan.
Alegasyon kasi sa kanila ni Ombudsman Remulla na nakatanggap umano ang mga ito ng remittance o pera mula sa mga kontratistang Discaya.
Habang patugkol naman sa kung kailan nila balak magsumite ng kahilingan, ayon kay Ombudsman Remulla, sa lalong madaling panahon ay hihilingin na ito ng tanggapan.
Ipapadala na lamang aniya raw sa Anti-Money Laundering Council ang cover page ng mga reklamong inihain ng Department of Public Works and Highways sa Ombudsman upang aksyunan ang patungkol rito.
Maaalala na kahapon lamang ay pormal nang inihain ng Department of Public Works and Highways sa Office of the Ombudsman ang mga reklamo kaugnay sa flood control projects anomaly.
Kanilang isinampa ang reklamong malversation of public funds through falsification of public documents laban sa 20-opisyal ng kagawaran at 2-construction corporation.
Bagama’t hindi kabilang rito ang mga nabanggit na kongresista, iginiit ni Ombudsman Remulla na dawit pa rin sapagkat sila’y nakatanggap ng pera mula sa mga kontratistang Discaya.
Dahil rito’y ipapasailalim o isasangguni aniya raw sa Anti-Money Laundering Council ito upang masuri mga mambabatas patungkol sa mga kontratang dawit sa isyu.
Dito binigyang diin ni Ombudsman Remulla na dapat ay walang ugnayan ang mga kongresista sa sinumang kontratista at anumang kontrata sa mga proyekto ng gobyerno.
Samantala, ibinahagi naman ni Secretary Vince Dizon ng Department of Public Works and Highways na ang alegasyon nagdadawit kay Congressman Eric Yap bilang beneficial owner ng Silverwolves Construction Corporation ay natanggap nila mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kung kaya’t kanyang sinabi na kanilang ipinauubaya na ang lamang ang mga reklamo sa tanodbayan o ang Office of the Ombudsman.












