-- Advertisements --

Pinangunahan ni Fred VanVleet ang panalo ng Toronto Raptors laban sa New York Knicks sa score na 120-105.

Ginawa ng point guard ang 19 sa kanyang season high na 35 points sa third quarter at pinayuko ang depleted New York Knicks.

Mayroon din itong limang assists at umiskor ng 30 points sa second straight game.

Dinagdagan naman ni Pascal Siakam ng 20 points, 14 rebounds at pitong assists para sa tagumpay ng Toronto.

Hindi naman umubra ang 20 points ni Evan Fournier para pangunahan ang Knicks na nakumpleto na ang road trip sa standing na 2-2.