-- Advertisements --

Sumama na ang France sa ibang mga bansa para sa pagkilala sa Palestinian state.

Inanunsiyo ito ng bago ang isasagawang United Nations General Assembly (UNGA) na gaganapin sa New York.

Layon nito ay para ma-pressure ang Israel sa ginagawa nitong pag-atake sa Gaza.

Makakasama kasi ng France ang Saudi Arabia na mag-co-chair sa summit ng UNGA.

Una ng kinilala ng mga bansang Australia, Britain, Canada at Portugal.

Habang nakatakda naman ang ilang mga UN members gaya ng Belgium, Luxembourg, San Marino at Malta ang kikilala sa Palestine State.