Maglalagay ng random border check ang France para maiwasan ang nagsasagawa ng skiing at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni French Prime Minister Jean Castex, isa sa mga lugar na paglalagyan nila ng border ay ang border nila ng Switzerland.

Nagdesisyon rin ang France, Germany at Italy na itigil ang ski activiities lalo na nagsimula na ang Swiss slopes.

Itinuturing kasi na ski season ngayong panahon ng kapaskuhan at bagong taon na siyang malaking tulong sa ekonomiya ng maraming European countries.

Paliwanag ni Castex na trabaho nila na protektahan ang kanilang mga mamamayan.