-- Advertisements --

Inamin umano ng pamahalaan ng Pilipinas na isinagawa ang isang “welfare check” kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang palihim, bagay na ikinabahala ng kanyang pamilya.

Sa inilabas na statement ni Vice President Sara Duterte, hindi nito naitago ang pagkabahala sa naturang pangyayari.

Ayon sa mga ulat mula sa ospital, natagpuan si Duterte na walang malay sa sahig ng kaniyang silid at isinailalim sa mga laboratory test nang hindi ipinaalam sa pamilya.

Binatikos ng kampo ni Duterte ang umano’y kapabayaan ng ICC sa pagbibigay ng sapat na pangangalaga sa dating pangulo.

“Credible information received by the family from hospital sources reveals that Former President Duterte had to be subjected to laboratory tests after being found unconscious on the floor of his room. The family was not informed of the “accident” and no explanation was given. These alarming developments raise grave concerns about the capacity of the ICC to guarantee the security and safety of FPRRD,” saad ng pahayag mula sa tanggapan ni VP Duterte.

Naniniwala silang hindi makatarungan at hindi makatao ang patuloy na pagkakapiit ni Duterte sa kabila ng kanyang kalagayan.

Nanawagan ang pamilya na agarang kumilos ang ICC upang itama ang sitwasyon at igalang ang karapatang pantao ng dating pangulo.