Iginiit ng dating kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Leonor Briones na hindi niya pinagtataguan ang reports kaugnay umano sa pagbili ng overpriced laptops sa panahon ng kaniyang termino.
Sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee’s initial hearing ng P2.4-billion laptop procurement na na-flag ng Commission on Audit (COA), partikular na tinugunan ni Briones ang mga blog at iba pang online articles na nagsasabing siya ay nagtatago o umiiwas tungkol sa isyu.
Ipinunto ni Briones na kasalukuyan niyang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang direktor ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology.
Napili si Briones at kalaunan ay hinirang para sa posisyon noong Hunyo 21, 2022.