Hindi nagtagumpay sa kaniyang laban si Eduard Folayang matapos talunin ni Shinya Aoki sa ONE: A New Era.

Sa unang round pa lamang ay napatulog na ng Japanese fighter ang Pinoy MMA fighter sa laban na ginanap sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Ito na ang pangalawang paghaharap ng dalawa kung saan unang panalo si Folayang sa pamamagitan ng TKO.

Bukod kay Folayang ay nabigo rin sa kaniyang laban si Kevin Belingon matapos na ma-disqualify sa laban kay Bibiano Fernandes.