-- Advertisements --

Umatras na sa pagtakbo bilang pangulo ng US si Florida Govenor Ron DeSantis.

Sa video na kaniyang inilabas na hindi niya makaya na kontrahin ang kapartido nito na si dating US President Donald Trump.

Naniniwala ito na tanging si Trump lamang ang magiging pambato ng Republicans na kayang talunin ang pambato ng Democrats na si kasalukuyang US President Joe Biden.

Sa pagtatapos ng kaniyang video ay pormal nitong inindorso si Trump.

Sinabi naman ng isa nilang campaign donor na kakulangan sa pondo ang isa sa dahilan kaya umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo ang Florida Governor.

Magugunitang pangalawa si de Santis kay Trump sa nagdaang Iowa Primary kung saan nasa pangatlong puwesto si Nikki Haley.