-- Advertisements --

Muling itinaas ng state weather bureau ang flood warning sa siyam na rehiyon ngayong araw (Sept. 19) dahil sa malawakang pag-ulan

Posibleng magdulot ng mga biglaang pagbaha ang mga naturang pag-ulan, kasama ang nmga serye ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

  • CAR (Cordillera Administrative Region)
  • Region 1 (Ilocos Region)
  • Region 3 (Central Luzon)
  • Region 4A (CALABARZON)
  • Region 4B (MIMAROPA)
  • Region 6 (Western Visayas)
  • Region 9 (Zamboanga Peninsula)
  • Region 10 (Northern Mindanao)
  • BARMM

Ayon sa weather bureau, maaaring magtagal ng ilang oras ang mga pag-ulan dahil sa magkasamang epekto ng southwest monsoon at ng bagyong Nando na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinag-iingat ang mga residenteng nasa mababa at bulubunduking lugar.