-- Advertisements --

Muling nagtaas ng general flood alert ang Pagasa para sa Southern Tagalog at mga karatig na lugar dahil sa matinding buhos ng ulan.

Kasama rin sa inaalerto ang Metro Manila, maging ang Northern Luzon.

Dulot pa rin ito ng hanging habagat na pinaiigting ng typhoon Fabian.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 530 km sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Nananatili naman ang signal number one (1) sa Batanes at babuyan island.