Posibleng ilabas na ngayong linggo ang resulta ng physical exam o fitness to stand trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa abogado nito na si Nicholas Kaufman, na nakipag-ugnayan na sa kanila ang accredited panel of medical experts na kinuha ng International Criminal Court (ICC) na sa Disyembre 5 ay mailalabas na ang resulta.
Umaasa sila na ang evaluation ng mga medical experts ay mapapatunayan na tama sila sa lagay ng kalusugan ng 80-anyos na dating pangulo.
Isusumite naman nila sa Disyembre 12 ang kasagutan sa findings ng medical experts of panel.
Dagdag pa ni Kaufman na dismayado at hindi na nasorpresa ang dating pangulo ng malaman na ibinasura ng ICC Appeals Court ang hirit nilang interim release.
Umaasa din ang defense team ng dating pangulo na mailabas na rin ang desisyon ukol sa petisyon nila na walang hurisdiksyon ang ICC sa kaso ni Duterte.
Sa darating pa na Enero 27 sa susunod na taon malalaman ilang mga resulta ng kanilang petisyon kapag natapos na ang judicial recess ng ICC.
Magugunitang nakapiit ang dating Pangulo sa ICC dahil sa nahaharap ito sa kasong crime against humanity noong ipinatupad ang laban kontra sa iligal na droga.
















