DETROIT — Tumipa ng 20 points at siyam na rebounds si Khris Middleton at tinalo muli ng Milwaukee Bucks ang Detroit Pistons, 119-103.

Dahil sa panalo ngayong araw, mayroon nang 3-0 lead ang Bucks sa first-round series ng NBA playoffs.

Kumamada sina Brook Lopez at Eric Bledsoe ng tig-19 points bawat isa para sa Milwaukee.

Nag-ambag naman ng 10 rebounds si Giannis Antetokounmpo, habang si Andre Drummond ay nagtapos na may 12 points at 12 rebounds.

Matapos manalo, posibleng tapusin na ng Bucks ang unang round ng Eastern Conference series sa darating na Martes (araw sa Pilipinas).

-- Advertisement --

Sa nakalipas na tatlong laro, ang Bucks ay may average 24 points na kalamangan laban sa karibal na team.