-- Advertisements --
Screenshot 20210503 082424 Video Player 1

Hiniling ngayon ng chairman ng barangay 663 Manila ang pinansiyal na tulong para sa mga residente ng Hospicio de San José isang bahay-ampunan na mataragpuan malapit dito sa Ayala Bridge, Manila.

Sinabi ni Chairman Teodoro de Castro, lumalaki na rin daw kasi ang gastusin sa Roman Catholic welfare institution para sa bayarin sa kuryente at gamot ng mga pasyenteng tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon nasa 23 na ang mga nagpositibo sa covid dito sa naturang institusyon na nagiging bahay ng mga inabandona at iniwan ng kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga tinamaan ang 15 health staff members, anim na elderly residents at dalawang student-volunteers.

Screenshot 20210503 082345 Video Editor

Sila ay nagpositibo sa virus nang simulan ang covid testing sa nasa 500 residente noong April 15.

Base sa mga lumabas na balita, isang senior citizen na ang namatay dahil sa virus at tatlo naman ang dinala sa ospital noon pang nakaraang linggo.

Ongoing pa rin naman ang swab tests sa 450 na indibidwal sa lugar.

Hiniling naman ng pamunuan ng Hospicio na kung may magdo-donate ay ang mga canned food, infant meals, gatas ng mga sanggol, toddlers at adults, bigas, tinapay at noodles.

Nais din nilang magkaroon ng hygiene kits kabilang na ang mga diapers, gamot, medical equipment gaya ng personal protective equipment (PPE) at face masks.