-- Advertisements --
Nilinaw ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go na hindi Pilipinas ang magbabayad ng 19% tariff rate sa Amerika para sa mga produktong ie- export natin sa US.
Ayon kay Sec Go na Amerika ang magbabayad ng buwis o taripa para sa mga produkto na inimport nila mula sa atin.
Pangalawa aniya ito sa pinakamababa kasunod ng Singapore kaya’t inaasahang magiging preference ng mga dayuhang investors ang Pilipinas para dito maitayo ang kanilang negosyo.
Idinagdag ni Go na hindi pa tapos o pinal ang negosasyon nila sa US Trade representatives ng Amerika
Isasapinal pa aniya ng 3rd technical working group sa kanilang counterpart sa US ang iba pang kailangang arrangements at marami pang dapat pag- usapan.