Halos 1-milyong tickets na umano ang naibebenta ilang oras bago ang opening ceremony ng 8th FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa France ngayong Biyernes, Hunyo 7.

Ayon sa mga organizers, nasa kabuuang 950,000 tickets na raw ang nabenta para sa isang buwang torneyo.

Kabilang sa mga inaabangan ang pagtutuos ng host nation na France at South Korea sa opening game na gaganapin sa Parc des Princes.

Habang ang defending champions namang United States ay sisimulan ang kanilang kampanya kontra sa Thailand sa darating na Martes, Hunyo 11.

Anim na grupo na binubuo ng apat na teams ang magtutunggali para sa 16 puwesto sa knockout phase, sa tsansang makausad hanggang sa finals sa Hulyo 7 sa Lyon.

Gagamitin rin sa unang pagkakataon sa torneyo ang VAR o ang video assistant referee system. (BBC)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here