Dumating na sa Pilipinas si Kai Sotto upang humabol sa pagsasanay ng national men’s basketball team para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplano kung saan lulan si Sotto nitong Martes ng gabi.

Una nang sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio kasama ni Sotto sa kanyang pag-uwi ang ama nitong si Ervin.

Sasailalim sa quarantine si Sotto bago makasali sa Gilas Pilipinas na kasalukuyang nasa Calamba, Laguna.

Lilipad patungong Doha, Qatar ang Gilas pagkatapos ng Pebrero 14 para sa huling window ng qualifiers na gagawin mula Pebrero 18 hanggang 22.

-- Advertisement --